Comments⁄Suggestions
Email us at feedback@insidemindanao.com
or send us a message thru our MESSAGE TO THE EDITOR portion on our homepage



First Posted on Inside Mindanao (www.insidemindanao.com) on March 6, 2011

Research shows attainment of right to health
of citizens still a big challenge

By Lenivel Malazarte Hedoquio & Janet Serato Tagaloguin

ZAMBOANGA CITY — Every woman, man, youth and child has the human right to the highest attainable standard of physical and mental health without discrimination of any kind. Ito ay ayon sa World Health Organization. At kaakibat nito ang karapatan ng bawat mamamayan sa mga serbisyong pangkalausugan na available, accessible, acceptable and of good quality.

Ayon sa karamihan ng mga sumali sa isang pananaliksik na ginawa noong November 2009 hanggang December 2010, sila ay sang–ayon na ang karapatan sa kalusugan ay karapatang pangtao at ang provision ng health care services ay pangunahaning responsibilidad ng pamahalaan. Ang nasabing research ay isinagawa ng Katilingban para sa Kalambuan Org., Inc (KKI), isang NGO na naka–base sa Zamboanga City. Kasama sa pananaliksik ang mga miembro ng mga community associations na kasapi nito at nakatira sa anim na barangay sa naturang siudad.

Ayon sa mga sumali sa research, karamihan sa kanila ay pumupunta sa mga health centers sa kanilang mga lugar. Maliban sa isang health center ng Barangay Bunguaio na bukas din tuwing umaga ng Sabado, ang ibang centers na sakop ng research ay bukas ng Lunes hanggang Biernes, alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon. Lahat ng mga health centers ay may midwife at ibang mga health workers kagaya ng barangay health workers (BHW) at barangay nutrition scholars (BNS). May doktor na pumupunta kalimitan, kaisang beses isang linggo.

Karamihan ng mga serbisyo na na–avail ng mga taga barangay ay para sa kababaihan'g buntis (pre natal) at sa mga bagong panganak (post natal), well–baby clinics kasama na ang immunization sa mga sanggol. Meron ding feeding program para sa mga malnourished na kabataan, kunsultasyon para sa lagnat, ubo at sipon, at family planning. Karaniwang mga gamot sa center ay para sa lagnat, ubo at sipon at diarrhea. May mga gamot din para sa mga sugat.

May mga nakapunta sa iilang centers na nakaranas na mabigyan ng impormasyon tungkol sa family planning at dengue fever na ginawa sa pamamagitan ng mga mini–lectures.

Ngunit sa kabila ng mga nabanggit na mga health services at pasalamat din ng mga sumali sa research, karamihan sa kanila ay nagsabi na hindi pa rin ito sapat at kailangan pang dag–dagan.

Ayon sa kanila, isang kakulangan sa mga health centers ang gamot kaya lantad ang "first come first serve" at madalas reseta nalang ang ibinibigay. Dahil madalas inaabutan ng reseta kung pupunta sa health center, ayon sa isang ginang: "Deretso nalang mi magpalit paracetamol basta naay hilanat. Generic raman gihapon ang mga gina–reseta sa health center. Langan pa makagasto ra gihapon mi ug doble sa pamasahe kung muadto mi."

May nagsabi din na, "Noon, libre pa ang mga gamot ngunit ngayon may donation na. Ang mga serbisyo ay libre, lalo na ang kunsultasyon; may mga gamot din na libre." Ang pagbibigay ng donation ay karaniwang nangyayari. Ayon sa iilang sumali sa research, "Maskin pila lang man ang i–donate, pero duna man karatola nga giingon nga P20 donation. Hatag na lang ka og beinte pesos. Bakit kaya nagkulang pa ang supply ng ating mga gamot?"

Ang iba naman nagsabi na, "Mas maayo nalang mi muadto sa manghililot ug mugamit herbal (kay) gamay pa gasto, epektibo pa, pwede ra makuha sa among palibot."

Ayon kay Rosa na minsan naging barangay health worker sa isang barangay, "Talagang totoo na kulang ang supply ng gamot kung kayat kami na mismo ang gumagawa ng paraan. Minsan nag–solicit kami para pambili din ng materials tulad ng needle at iba pa sa mga mayayaman para mabigyan ng serbisyo ang mga nangangailangan."

Sa nasabing pananaliksik at pag–aaral, napag–alaman din na kahit na lahat ng health centers sa anim na barangays na sakop ng research ay may midwife o barangay health workers, minsan hindi rin ito sapat, lalo na sa mga barangay na maraming sitio at residente at maraming nakatira sa malalayong lugar. Kaya kung minsan, hindi maasikaso at hindi na rin maganda makitungo ang midwife sa mga pasyente. Dahil sa dami minsan ng pasyente, may iilan na pupunta ng private clinic dahil madali daw silang maasikaso.

Ayon naman kay Joy na naging volunteer midwife ng health center sa isang barangay, "Sa dami ng mga pasyente, mayroon pang mga pasaway kung kayat naging estrikto ang midwife para magrespeto naman ang iba. Kawawa nga ang midwife dahil hindi talaga abot ng one week ang ibang gamot, pinaghati–hati nalang ito sa mga pasyente katulad ng amoxicillin...."

May mga health personnel na maasikaso at mabait; may mga iba naman na, ayon sa karanasan ng iilang sumali sa research, sa tingin nila ay hindi. Minsan may mga information na hindi sapat, lalo na sa pagbibigay kalinawan kung para saan ang mga gamot na binibigay. Minsan, ang mga paliwanag ay masyadong napaka medical, na hindi madaling maintindihan sa mga nagpapakunsulta sa health center.

May iilang barangay na ang iilang residente ay nakikipagtulungan sa mga health workers sa barangay. Kagaya sa barangay Sinunuc, kasama ng midwife sa isang sub–health center ang community health workers ng Kalinaw Home Owners' Association na nagseserbisyo dahil sa dami ng purok at sitio na nasasakupan ng naturang health center.

Napag–alaman din sa research na may mga tao na nagpapahalaga ng turong matatanda tulad ng paggamit ng herbal at pagkain ng organic plants and vegetables at marami rin sa kanila ang masugid na nag–attend ng seminars at trainings para sa karagdagang kaalaman para sa mabuting kalusugan. May mga health personnel na nag–promote sa paggamit ng herbal medicine at ibang indigenous ways of healing; ngunit hindi ito ang karaniwang practice. Ang mga residente ng barangay ay ini–encourage na gumamit ng mga gamot o pamamaraan na kung tawagin ay "western medicine".

Sa siyudad ng Zamboanga, maraming mga tindahan ang nagtitinda ng tinatawag na "fast moving relief" na gamot tulad ng biogesic, neozep at diatabs. May mga pharmacies na kahit gabi ay bukas. Marami rin sa siyudad ang mga sasakyan na bumabiyahe sa gabi at ang mga lugar ay mapupuntahan ng ambulansiya.

Ngunit kapag ang barangay ay malayo sa siyudad, mahirap makatawid, mahirap humingi ng saklolo pagkat kadalasan ay nasa kabilang bukid ang kapitbahay, at ilang oras pa bago makarating sa siyudad. Minsan napakalupit pa ng panahon pagkat pag–umuulan at bumabaha hindi puwedeng tumawid. Kinakailangan pang hintayin na bumaba ang tubig.

Isang nanirahan sa malayong barangay ang nagsabi na dinaanan nila mahigit pitong kilometro, tatlong sapa, dalawang ilog at bulubundukin paakyat, pababa karga ang pasyente na naka–duyan sa loob ng kumot patungo sa health center. Pagdating nila sa health center wala ng gamot at wala pang ambulance ang health center papuntang bayan para sa emergency case.

Ayon kay Wheng ng Kalambuan Home Owners' Association, "Mas mabuti kung hindi tayo umasa na lang sa iba, tayo din mismo gagawa ng paraan para hindi na lumala ang ating karamdaman. Dapat may mga first aid tayo sa bahay."

Aminado naman ang iilang health personnel na talagang marami pang dapat ayusin at kasalukuyang ginagawan ng paraan. Ayon din sa iilan sa kanila, "Para mas lalong ganado sa pagbigay ng serbisyo at pagkilala din sa kanilang serbisyo, ang mga BHW ay binibigyan ng konting allowance, galing man ito sa city health office o sa barangay man. Dinagdagan na rin ang budget para sa mga gamot. Yung mga reklamo tungkol sa gamot, karaniwang reklamo yan noong unang mga taon, ngunit hindi na masyado ngayon."

Doon naman sa mga lugar na bulubundukin, kagaya ng Barangay Bunguaio, ang midwife ay may skedyul na puntahan at bisitahin ang mga residented sa mga malalayong sitio. "Kailangang gawin dahil ang ibang taga roon mahirapang bumaba." Ang tanging paraan para mapuntahan ang ibang lugar ay sa pamamagitan ng paglalakad at pagsakay ng habal–habal.

Isang serbisyo na sa tingin ng mga sumali sa research na kailangan pang i–improve ay ang serbisyo para sa violence against women and children (VAWC). Hindi na rin kakaila na pag dinala sa health center ang isang babae na nakaranas ng pang–abuso, agad itong i–refer sa public hospital o sa opisina ng barangay. Sa barangay center, walang safe room kung saan magkaroon ng privacy for women survivors of VAWC.

Napag–alaman sa research na kahit alam ng mga tao at kahit sila ay sang–ayon na ang karapatang pangkalusugan ay karapatang pangtao, karamihan sa kanila ay nagsabi din na mahirap mag–demand o i–negotiate ang mga karapatang ito. "Tiene huya" ay isang karaniwang komento kung bakit hindi nakakapagtanong ang mga residente sa mga health personnel.

Isang rekomendasyon sa ginawang research ay ang patuloy na pag–aaral sa mga miembro ng community association hinggil sa karapatang pangkalusugan; kasama na rin ang patuloy na pag–monitor tungkol sa kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa mga center at pagbigay alam nito sa mga kinauukulan.

End

IMPORTANT NOTICE: All materials online can be republished for free; provided the publisher Inside Mindanao, writers, photographers, and documentary filmmakers are credited.